Lunes, Abril 18

moments of uncertainty

*deep breathing in progress.

i have no friggin idea where my life is headed. for the first time in years, i have no idea where my life is headed. yes, there are the solid college plans, the double major...the law school that comes after it...the women's studies masters that comes after law school...the national defense college that comes after that...i have those...but they seem so empty.

basta, ang labo ng lahat bigla. kahit hindi halata na i absolutely have no idea what to do with my life, i really don't know what to do with it.

im going to the states in a few weeks, if all goes well. and i may never come back. question is, what would i do there? i don't want to be there, but certain situations and problems require me to be there. this is going to be the hardest decision of my life.

and there is days. i love days. i love the people there...and if i go to the states, i will have to say goodbye to days...and i've only staffed once. that's so hard for me, because i want to staff more. sana the day will come when i can staff without the discomfort of being near a ticking bomb.

i have tried my best to be a good person and to forgive. i have tried to love with abandon, and i did. i tried to be bitter, but Jess knows that i can't really do that. there are so many things to be thankful for. and i am thankful beyond compare.

BIL.

Jess,
una sa lahat, salamat sa lakas na ipinagkaloob mo sa akin sa nakalipas na linggo. alam natin pareho kung gaano kasakit at kahirap para sa akin ang pumunta sa A28. pero sabi ko sa iyo, gagawin ko, kasi para sa iyo e. kaya nagpakalakas ako, nagpakatapang. para kayanin ang batch. umiiyak ako sa inyo noong unang gabi, kasi hirap na hirap ako noon. sabi ko sa iyo, Jess, konting lakas pa...kailangan ko talaga. hindi ko mapigilan sarili ko. iyak ako nang iyak at hindi ako makatulog. hindi mo naman ako iniwan, hindi naman ako nabigo. binigyan mo pa ako ng mga kasama. salamat Jess, salamat talaga.
ngayon Jess may kailangan pa sana ako. kailangan ko ng tatag. kailangan ko na kasi mag-move on ng todo. para sa susunod na batch hindi na ganun kahirap ang sitwasyon ko. hindi ko alam Jess kung tama ba 'tong ginagawa ko na iniiwasan ko siya. pero wala na akong ibang maisip na paraan. hindi ko alam kung tama ba itong pag-iwas na rin sa iba. pero wala din akong ibang naisip na gawin. so yun, kailangan ko ng tatag.
pinakahuli, sana Jess maging masaya na siya. kasi yoon talaga ang gusto ko para sa kanya, kahit noon pa. wala akong pakialam kung masaktan pa ako ulit, basta maging masaya lang siya. samahan nyo po siya sa bawat araw...lalo na kung nahihirapan siya. kasi Jess, hindi ko kaya samahan pa siya kung saan man siya pupunta. paki-ingatan na lang para sa akin. at sana balang araw, mapagtanto niya kung gaano siya kaimportante sa akin.

amen.

Walang komento: