ano ba dapat gawin kung ang isang kaibigang pinagkatiwalaan mo ng todo, inasahang mong tutulungan kang bumangon at binigay mo nang buong buo ang suporta sa kanya ay siya din naman palang magkakanulo sa iyo't magpapahiya sa harap ng maraming tao? paano mo haharapin yung katotohanang sa kabila ng lahat ng inyong pag-uusap, sa kabila ng kanyang pagsira sa iyong tiwala noon at pagsisikap mong ibalik ang tiwalang yaon; magagawa pa rin yang magsinungaling sa iyo. magagawa pa rin yang lokohin ka, paasahin ka, saktan ka?
hindi ko alam kung paano pa ako makikitungo sa kanya. sana nanging pranka na lang siya at sinabing kahit ano pa man ang sabihin ko sa kanya; ikakalat pa rin niya ang nalalaman niya sa akin, sa amin. hindi naman ako masasaktan ng ganito kung naging handa ako. ganun lang kasimple ang mga bagay. nagtiwala ako sa iyo. bilang isang kaibigan. sinabi mo noon sa akin kung anong hangganan ng mga ilalahad mo. tanga ako't naniwala pa sa iyo. tahasan mong nilagpasan ang mga hangganang yaon.
sabi mo kagabi, ituring kita hindi lang bilang kaibigan kundi bilang kasama din. ito ang sagot ko sa iyo: hinding hindi na kita ituturing na kaibigan. kahit kailan, hinding hindi na ako magtitiwala sa iyo. kaya kong ituring ka bilang kasama. pero hinding hindi na kita ituturing na kaibigan. huling pagkakataon na itong magpapaloko ako sa iyo't magtitiwala. huli na ito. magtatanda na ako sa susunod na lumapit ka pa sa aking nagkukunwaring magkaibigan pa rin tayo. sana, huwag ka nang umasang babalik pa ang dati nating samahan, ang dati kong tiwala sa iyo. kasi, sigurado akong hinding hindi na ako papayag maibalik pa yaon.
Martes, Setyembre 9
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento