teh poem for today...
KAHIT SANDALI
Sa ganda ng mundo
Kalungkutan sa iba'y dulot
Hawi ang puso nila
Sa pasya ng kapalaran.
Malungkot man
Magdiwang
Upang ikay ngumiti
Kahit sandali.
Dinggin ang mga ibon
Tubig sa dalampasigan
Sila'y isipin
At magpahinga.
Sa mga taong nakalipas
Ika'y magpasalamat
Sa pagdating niya.
Kahit Sandali.
Ika'y magpahinga
Kahit Sandali
Kung ang buhay
ay puno ng kalungkutan.
-val fianza
oo. magpapahinga na ako't magpapasalamat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento