Linggo, Marso 20

tula sa ngayon

Gnosis

Walang laman ang kuweba
nang dumating sila. Kaba

ang nanuot sa kanilang laman:
ano ang nangyari sa katawan?

Ito na kaya ang misteryo
ng naiwang mga aninong

iginapos ng dantaon,
hanggang ibunyag sa Tbon:

ang bungo't kalansay ay buntis
sa espiritung nanlalamig.

ser, congrats sa MA ninyo! :D

at oo, paubos na ang laman ng kuweba ko. at masakit ang dahan-dahang pag-agos ng mga laman nito.

Walang komento: