Lunes, Enero 17

kailangan lumayo.

~*~grabe. first ever post sa akin bran spanking new blog. at ganito.

~*~ pero ayos lang..wala naman ibang makakakita..sa ngayon.

let me start by saying...

putang ina.

hindi ito ang panahon para ma-depress ako.

but im really depressed.

after talking to some friends (whom i will not mention anymore) i realized, i should be depressed. it's because of everything that's happening. i know deep in my heart that God has perfect plans for me but somehow i feel that for those perfect plans to come true, i will have to accept some pain in my life. not just FEEL the pain. ACCEPT that pain is present in my life. i've always tried to shield myself from pain. but right now, i think the better thing to do is open myself up to pain in order to be healed. because i need to be broken before God. before He can make me whole again. and i know that the Lord hears me right now, and i know that He can relate to my pain. emphathy.

malamang, mayroon talagang mga panahon na kailangan lumayo.

masakit ang lahat.

akala ko kasi nalampasan ko na. akala ko, nalampasan na natin. pero hindi pa pala. hindi na ata talaga maaayos ang relasyon na ito. gusto kong lumaban, pero wala na akong lakas. hindi na kita kayang mahalin dahil MASAKIT kang mahalin. sana maintindihan mo, hindi ko na kasi kaya ito e.

sana maintindihan mo, na minsan kailangan lumayo para hindi na masaktan.

nasasaktan ka rin.

at hindi ko kaya ang ganoon.

dahil ang buhay ay napakatulin.

ngayon ko lang tunay na naisip na ang bilis talaga ng buhay. isang araw andito lang ang kakilala mo, ngayon wala na siya. hindi ko na siya makikita. at masakit pala kahit hindi siya malapit sa iyo. kasi nasa buhay mo rin siya. mistulang may nahugot sa aking mundo, hindi na ito kasing balanse tulad ng dati. at kung tutuusin, maliit ka lamang na bahagi ng aking buhay.. pero masakit pala.

at para sa iyo, aking minamahal: mabilis ang buhay. ayokong mabuhay ka na nasasaktan. ayoko rin mabuhay na parating nasasaktan ng kaisa-isang taong nagsilbing buhay ko. mahal na mahal kita, sana naman ngayon matapos ang lahat lahat, alam mo na iyan. pero may mga pagkakataon na kailangan iwanan ang mga taong lubos na minamahal upang maging mas mabuting tao sila. palagay ko, kailangan ko mawala para tumino ka. kahit masakit sa akin, gagawin ko. tumino ka lang.

mahal na mahal kita. pero kailangan ko na magpaalam.

Walang komento: