Lunes, Marso 14

duwag duwag duwag

sabi noon sa akin ni sir egay (isa sa mga paborito kong guro sa Ateneo), madalas daw inuulit ang mga salita sa panitikan upang magkaroon ng emphasis o di kaya, ng paglago ang salita. ano ngayon, diba?

duwag duwag duwag...

parang ayoko nang gumalaw. ayoko nang huminga. ayoko nang maglakad. ni isang yabag. ayoko na talaga. ayoko ko na pumunta ng 'teneo. ayoko nang makita ka. ayoko na masaktan. ayoko nang mahalin ka. ayoko nang umiyak. ayoko nang mabaliw.

ang dami ko namang ayaw gawin.

bakit?

dahil duwag ako. lubos na akong naduduwag sa mga panahong ito. lubos akong takot ko sa kahit ano pang sasabihin mo. nakapanlulunos isipin na sa ilang sandali, magkikita tayo. at doon magsisimula ang katapusan ng lahat. at natatakot ako doon.

gusto ko nananaman umalagwa. gusto kong tumakbo at 'wag nang lumingon. gusto kong lumipad at masunog ng araw. basta, gusto ko nang lumayo sa putang inang lugar na ito. kasi wala namang saysay ang pagiging "ako" sa lugar na ito. walang saysay ang meron na ako sa lugar na ito. mainit sa lugar na ito. mag-isa ako at walang tubig. disyerto ang buhay ko. isang buwakananginang disyerto. at mag-isa ako dito. walang mesias or ponsyo pilatong sasagip. walang kasama.

mag-isa...mag-isa...mag-isa...mag-isa...PUTANG INA! MAG-ISA!

magmamahal...magmamahal...
magkakalayo...magkakalayo....
mababaliw...mababaliw...mababa....

Walang komento: